Ilang mga pamilya na nasa GCQ, makakatangap pa rin ng SAP cash subsidies

Ang mga recipeints o beneficiaries ng first round ng emergency subsidy ay makakuha pa rin ng cash aid kahit na nasa general community quarantine (GCQ) ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Binangit ito ni DSWD secretary Rolando Bautista sa isang virtual press briefing nang sabihin ng Malacañang na “considered” pa rin ang ilang pamilya na nasa GCQ.

“For GCQ areas, general community quarantine, iko-consider po ang reprioritizing ng SAP cash subsidy towards ECQ areas,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sinigurado ng DSWD na sapat ang budget para sa emergency subsidy para sa second round ng social amelioration program (SAP).

“Sapat ang pondo para sa dalawang buwan na pamamahagi ng SAP. Makakaasa po ang ating mga kababayan na sa pagpapatuloy ng krisis mayroon silang matatanggap na tulong sa pamahalaan,”ayon kay Bautista.

0 replies

Leave a Reply

Want to join the discussion?
Feel free to contribute!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *