Sa Mga nakatanggap na ng SAP, muling makakakuha ng ayuda sa 2nd tranche

Sa Mga nakatanggap na ng SAP, muling makakakuha ng ayuda sa 2nd tranche

Ayon kay Dumlao, magsasagawa ng post payout validation ang DSWD para masigurong eligible ang benepisyaryong nakatanggap ng ayuda, at para rin masigurong walang nagdoble sa mga nabigyan ng ayuda.

“Kaya po tayo magsasagawa ng post payout validation ay para masiguro natin, unang-una, na ‘yung nakatanggap ng ayuda ay eligible at pangalawa po, para matiyak natin na hindi naman siya nakatanggap ng doble,” aniya.

Sisimulan ng DSWD ang pamamahagi ng second tranche ng ayuda kapag naisumite na ng mga lokal na pamahalaan ang listahan ng lahat ng nabigyan nito ng cash assistance, pati na ang listahan ng mga umaapelang mapabilang sa listahan ng mabibigyan ng ayuda.

Nitong Linggo ang deadline ng pamamahagi ng first tranche ng ayuda mula sa pamahalaan. Ayon kay Dumlao, nasa 16.4 milyong benepisyaryo na ang nakakuha ng ayuda mula sa kabuuang 18 milyong mga benepisyaryo.

0 replies

Leave a Reply

Want to join the discussion?
Feel free to contribute!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *